“Diploma o Diskarte: Ano ang Pipiliin Mo?”
Diploma o Diskarte: Ano ang Pipiliin Mo?
Ang tanong na ito ay naging malaking usapin sa mga kabataan. Hindi lamang ito sumikat sa social media, kundi pati na rin sa mga talakayan ng mga estudyante na nag-iisip kung ano nga ba ang mas mahalaga, lalo na sa panahon ngayon. Ang pagpili sa pagitan ng diploma at diskarte ay naging hamon para sa marami dahil sa mabilis na pagbabago ng mundo at sa taas ng pangangailangan at gastusin sa pang-araw-araw na buhay.
Bilang isang estudyante, naranasan ko ring mahirapan sa tanong na ito. Sa modernong panahon, maraming kabataan ang kailangang magsikap upang masigurado na may makakain kinabukasan. Napakasuwerte ng mga batang hindi kailangang alalahanin ang pang-araw-araw na pangangailangan, ngunit hindi lahat ay ganoon ang sitwasyon. Maraming estudyante at indibidwal ang kailangang magpursigi upang makaahon sa hirap at makamit ang mas maginhawang buhay.
Para sa akin, mahalaga ang parehong diploma at diskarte. Ang diploma ay nagsisilbing pundasyon upang makahanap ng magandang trabaho at magkaroon ng mas maayos na kinabukasan. Samantala, ang diskarte ay mahalaga upang malagpasan ang mga hamon sa buhay at masiguro ang tagumpay sa kabila ng mga pagsubok. Walang mas matimbang sa dalawa; kailangan lamang gamitin ang mga ito nang tama upang gumaan ang buhay at maabot ang tagumpay. Sa huli, ang tamang balanse ng diploma at diskarte ang susi sa masaganang hinaharap.