“Ang Aking Misyon”

Sa aking pagtanda o paglaki nagsimula ang aking misyon. Misyon na kailangan ng matibay na pundasyon upang maisakatuparan. Ang misyon na ito ay ang makapagtapos ng pag-aaral na may medalya at sertipiko. 

Ang aking misyon ay magbibigay ng malaking repleksyon na dadalhin ko sa aking pagtanda. Ang makapagtapos ng pag-aaral ay maaaring makatulong hindi lamang sa akin at sa pamilya ko pati na rin sa magiging pamilya ko sa hinaharap.
Ang trabaho na aking papasokan ay magkakaroon ng malaking tulong sa aking pamilya. Makapagtapos lamang ako ay pipiliin ko ang trabaho na aking ninanais at magsusumikap para sa pamilya at sa sarili, babawi sa magulang.

Sa huli, lahat ng aking ninanais ay sisikapin ko na matupad. Ang aking misyon muna sa ngayon. Matutupad ko ang lahat ng aking ninanais basta sikapin ko lang matupad ang aking mahalaga o malaking misyon.

Popular posts from this blog

“Panganay na Anak”

Bagong Kristine